Sa totoo, excited lagi akong umuwi kahit nag-iisa ako. Kasi alam ko, nasa kabilang silid ka. Kilala kita sa iyong kaluskos. Sa iyong awiting mga pinakikinggan. Sa iyong paghinga kapag gabi. Sa iyong pagbangon at muling paghiga. Tumatalas ang aking pandama lalo na’t alam kong mag-isa ka at wala ang iyong asawa. Kailan maglalaho ang numinipis na tablang naghihiwalay sa atin at nang maging isa ang mga silid nating inuupahan? At makikita kita, malungkot at naghihintay sa iyong asawa. Yayakapin kitang tulad ng isang estranghero. Madarama mo, ako ang iyong di hinihintay, ako na di mo minamahal. Huwag ka sanang mabibigla, ilang buwan na rin naman tayong nagsasama sa iisang bubungan.
Published on May 09, 2013 02:05